Patuloy pa rin akong nagsusulat dito dahil alam kong patuloy mo pa ring binabasa ang mga nakalagay dito.. Maligayang Kaarawan sayo bhot. Sana magkasama tayo ngayon at hindi na maghiwalay pa. Lage kang magdasal sa itaas para sa maayos na buhay at kalusugan.. Sana tulungan ka ng diyos na makalimutan ang galit mo saken.. Dahil sa lahat ng maling ginawa ko, ito ang pinakapinagsisisihan ko. Na sana nagpakamatay na lang ako sa gutom kesa nanggamit ng ibang tao.. Sana ako pa rin ang mahal mo. at sana ako na lang ang mahalin mo habangbuhay. Maghihintay ako sayo.. Hintayin ko ang walang katiyakang pagbabalik mo.. Di ba mabait ang diyos? tutulungan nya ako para makabalik sayo. Aayusin ko ang buhay ko para di ka magsisi at manghinayang na sa akin ka pa rin pag dating ng araw. Hinahayaan ko na lang lumipas ang mga araw para di ako mainip sa panahong uuwi ka na.. Wag mo sana akong makalimutang kamustahin paminsan minsan. Hindi ba halata na ikaw pa rin hanggang ngayon? Sa puso ko, sa isip, at sa lahat ng kilos ko.. Magiingat ka palagi. Miss na miss na kita.. Mahal na mahal kita bhot..